Sinabi ni Chief Inspector Leo Laraga, Northern Leyte Police Provincial Officer, sa pagdinig ng Senado na kinailangan ng CIDG na mag-apply ng search warrant sa Samar dahil may mga pulitiko sa Leyte na sangkot sa operasyon ng droga ni Espinosa.
Pinangalanan ni Laraga ang mga ito bilang ang mga gobernador ng Leyte, alkalde ng Ormoc City at congressman ng ikatlong distrito ng Leyte.
Kalaunan ay kinilala rin ni Laraga ang mga ito bilang sina Baybay Vice Mayor Mike Cari, Representative Vicente Veloso, Leyte Governor Leopoldo Petilla, at Ormoc City Mayor Richard Gomez.
Ani Laraga, personal niyang narinig ang nasabing mga pangalan mula kay Albuera Police chief Inspector Jovie Espenido sa isang case conference.
Itinanggi naman ni Veloso ang alegasyong ito sa kanyang Facebook post.
Aniya, ni hindi pa niya nakikita ang drug lord na si Kerwin Espinosa na anak ng nasawing Albuera mayor.
Tinawag naman ni Petilla na isang kalokohan ang paratang na siya ay protektor ng illegal drugs.
Samantala, wala pang pahayag ang kampo ni Gomez hinggil sa naging testimonya ng pulis.