Nasawing si Mayor Espinosa, nagpositibo sa gunpowder residue ayon sa CIDG

Kuha ni Jan Escosio
Kuha ni Jan Escosio

Nagpositibo umano sa gunpowder residue ang nasawing si Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Ito ang nilalaman ng presentasyon ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Chief Supt. Roel Obusan sa kaniyang pagharap sa imbestigasyon ng Senado.

Ayon kay Obusan, may narecover na kalibre 38 na baril sa selda ni Obusan at nang isailalim ang kaniyang mga labi sa pagsusuri, nagpositibo ito sa residue ng gunpowder.

Sinabi ni Obusan na maging ang isa pang napatay na bilanggo na si Raul Yap ay nagpositibo din sa paraffin test.

Kalibre 45 na baril naman ang narecover ng mga otoridad sa selda ni Yap sa Baybay City Sub-Provincial Jail.

Ang paraffin test kina Espinosa at Yap ay ginawa ng mga tauhan ng Scene of the Crimes Operatives (SOCO).

 

Read more...