Drugs at korapsyon, tinalakay sa talumpati ni Pangulong Duterte sa Filipino community sa Kuala Lumpur

Kuha ni Chona Yu
Kuha ni Chona Yu

Aabot sa 2,000 Pinoy ang humarap kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Kuala Lumpur, Malaysia pagdating niya doon kagabi.

Sa kaniyang talumpati, ang laban pa rin ng pamahalaan kontra ilegal na droga at korapsyon ang tinalakay ng pangulo.

Umapela si Pangulong Duterte sa mga Pinoy na patuloy na ipaglaban ang tama sa kabila ng mga tinatanggap na kritisismo ng kaniyang administrasyon dahil sa laban sa droga.

Sa Kuala Lumpur, tinatayang aabot sa 100,000 ang mga Pinoy habang mayroong nasa 500,000 na Pinoy sa Sabah.

Sa nasabi ring talumpati, binanggit ng pangulo na hihingi siya ng tulong kay Malaysian Prime Minister Najib Raza koras na itigil ng Amerika at European Union ang pag-ayuda sa Pilipinas.

Aminado ang pangulo na baka dahil sa kanyang pang-aaway sa Amerika at EU ay maaring mawalan ng ayuda ang Pilipinas.

 

 

Read more...