Temperatura sa Baguio City at Metro Manila mas lumamig pa

Contributed Photo for Radyo Inquirer by Grace Gacosta
Contributed Photo for Radyo Inquirer by Grace Gacosta

Lalo pang bumaba ang temperatura sa Baguio City at Metro Manila ngayong Huwebes ng umaga.

Ayon sa PAGASA, sa Baguio City, 13 degrees Celsius ang naitalang pinakamababang temperatura kaninang alas 4:50 ng umaga.

Habang sa Metro Manila, nakapagtala ang PAGASA sa Science Garden sa Quezon City ng mababang 21.6 degrees Celsius alas 6:00 ng umaga.

Malamig rin ang naitalang temperature sa Tanay, Rizal na sa 19.5 degrees Celsius, habang sa Malaybalay, Bukidnon ay 18.3 degrees Celsius.

Ayon sa PAGASA, simula pa lamang ito ng paglamig ng panahon sa bansa dahil mahina pa ang umiiral na Amihan.

Pero sa buwan umano ng Disyempre at Enero, inaasahang mas lalamig pa ang panahon sa malaking bahagi ng bansa.

 

 

Read more...