Ayon sa PAGASA, kahapon, naitala ang pinakamababang temperature na 13.2 degrees Celsius sa Baguio City.
Sa Metro Manila naman, naitala ang mababang 21.7 degrees Celsius ganap na alas 7:00 ng umaga habang umabot lang sa 31.8 degrees Celsius ang naitalang pinakamataas na temperatura alas 3:00 ng hapon kahapon.
Samantala, nananatili ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa 930 Kilometer East ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Maliit pa rin ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang nasabing LPA.
Ngayong araw, sinabi ng PAGASA na makararanas lamang mahinang ulan sa mga lalawigan ng Batanes, Ilocos Norte, Apayao at Cagayan.
Habang isolated rainshowers naman o thunderstorms ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa.