Malungkot na napagtanto ni Hillary Clinton na mas “deeply divided” pa pala ang Amerika kaysa sa kaniyang inakaala.
Sa kaniyang talumpati isang araw matapos siyang matalo kay Donald Trump, inamin ni Clinton na naging masakit ang kaniyang pagkatalo at maaring matagal niya pa itong mararamdaman.
Gayunman, hinimok pa rin Clinton ang buong sambayanan, maging ang kaniyang mga taga-suporta, na magkaisa, maging bukas ang isipan at bigyan ng pagkakataon si Trump na mamuno sa bansa.
Dagdag pa ni Clinton, sa kabila ng mga nangyari ay malaki pa rin ang paniniwala niya sa Amerika at patuloy pa rin siyang magtitiwala.
Hiniling rin ni Clinton na sana ay maging matagumpay na pangulo si Trump para sa lahat ng mga Amerikano.
Samantala, mula pa lang sa pagkaka-kumpirma ng pagkapanalo ni Trump, naging emosyonal na ang mga taga-suporta ni Clinton, lalo na iyong mga kasama niyang naghintay sa resulta.