Isinagawa ang operasyon base na rin sa search warrant na ipinalabas ni Quezon City Regional Trial Court Judge Bernelito Fernandez laban sa mga suspek sa mga nagtutulak ng bawal na gamot na sina Joseph Salvador at Romel Ramirez.
Ayon kay QCPD Station 9 Commander Supt. Wilson Delos Santos, naaktuhan nilang gumagamit ng bawal na gamot sina Salvador at Ramirez, at dalawa pa nilang kasama na inaresto rin ng mga pulis, kabilang ang asawa ni Salvador na si Edelyn Salvador at si Fernand Onato.
Sinabi pa ni PSupt. Delos Santos, si Ramirez ang nagdadala ng shabu habang ang bahay naman nina Salvador ang ginagamit na drug den.
Nasabat mula kay Salvador ang 11 maliit na plastic sachet at drug paraphernalia.
hawak ngayon ng QCPD station 9 ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.