Notorious na magnanakaw, patay sa operasyon ng Caloocan police

 

Binawian ng buhay ang isang notorious na magnanakaw at tulak ng droga matapos manlaban sa mga police na nagsagawa ng follow up operation sa North Caloocan.

Mismong ang mga kaanak ng nasawing suspek ang kumilala sa napatay na si Marlon Servano 30 residente ng Phase 10A, Package 1, Brgy. 176 Bagong Silang.

Ang follow up operation ay base na rin sa sumbong sa police ni Purok Leader Leonor Quirante matapos siyang tagain at takutin ng suspek na babaunin ni Servino ang kaniyang ulo bago sya umalis.

Sa follow up operation ng mga pulis, nagtatakbo umano ang suspek nang matunugan niyang huhulihin siya ng mga ito, hanggang sa pasukin nito ang bahay ng isang Patrick Ponse kung saan siya nasukol at napatay ng pulis.

Tanggap naman ng kapatid ng suspek ang nangyari, kaysa maghasik pa umano ito ng kalokohan, dahil sa katunayan ay tinangka umanong sunugin ng suspek ang kanilang tahanan.

Ang napatay na suspek ay adik rin umano sa bawal na gamot at dati nang nakulong sa kasong murder at kakalaya lamang dahil naman sa kasong pagnanakaw.

Isang sumpak mula sa suspek ang nakuha sa crime scene.

Read more...