Media ang may kasalanan sa pagpapalaki sa ‘tuhod issue’-Duterte

 

Inquirer file photo

Ang media ang muling sinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte na siyang nagpapalaki umano ng isyu ng kanyang komento ukol sa ‘tuhod’ ni Vice President Leni Robredo.

Matatandaang umani ng batikos mula sa iba’t-ibang grupo ng mga kababaihan at maging mismo kay Vice President Robredo ang pagpuna ni Duterte sa kanyang tuhod at ang paghimok sa kanyang mag-shorts na lamang sa isang okasyon sa Leyte kamakailan.

Matapos ang kanyang departure speech sa NAIA bago bumiyahe sa Malaysia, sinabi ng pangulo na wala siyang nakikitang masama kung pansinin man niya ang tuhod ng isang babae.

Wala aniyang inappropriate sa kanyang sinabi at tanging ang media lamang ang nagpapalaki nito.

Giit pa ng pangulo, bahala na ang media kung nais nitong palabasin na isa siyang sexist o bastos.

Hindi rin siya dapat aniya kinokontrol ng sinuman dahil gagawin niya ang nais niyang gawin at sabihin.

Read more...