27 Pinoy, nasa death row sa Malaysia

 

Aabot sa 27 Pilipinong drug traffickers o smugglers ang nakapila sa death row sa Malaysia.

Pero ayon kay Philippine Ambassador to Malaysia Jose Eduardo Malayo, 2013 pa nagpatupad ng moratorium ang Malaysia sa death penalty law dahil sa panibagong review sa polisiya.

Ayon kay Malaya, pito hanggang walong Pinoy  na nasa death row ang na-commute na ang sentensya.

Dagdag ni Malaya, nagkaroon ng ‘chilling effect’ sa mga Filipino drug traffickers at smugglers ang pagbitay ng China sa mga Pilipino.

Read more...