Kumalma ang mga investors matapos purihin ni Trump si Clinton sa kaniyang victory speech, kasabay ng pag-himok sa mga Amerikano na magkaisa.
Gayunman ay nananatili pa rin ang mga agam-agam ng investors sa magiging trade, immigration at geopolitical policies sa ilalim ng administrasyon ni Trump.
Ayon kay OANDA senior market analyst Craig Erlam, bagaman bahagya niyang napakalma ang mga pagkabahalang dinaranas sa merkado ngayon, nananatili pa rin ang “uncertainty” sa kung anong klaseng Amerika ang balak pamunuan ni Trump.
Sa kasagsagan ng pangunguna ni Trump sa bilangan ng boto, nayanig ang share prices sa Asia, habang bumaba rin ng 0.9 percent ang DAX sa Germany, at 0.4 naman sa British shares.
Pero sa kabila ng biglang panghihina ng stock market sa kasagsagan ng bilangan, naging steady naman ito nang makumpirma na ang pagkapanalo ni Trump at pagkatapos nitong magbigay ng kaniyang talumpati.