Apo, pinatay ang 85-anyos na lola

kabankalan negros occidental
Mula sa Google

Pinatay ng isang 19-anyos na teenager ang kaniyang 85-anyos na lola at kinain ang puso nito sa isang barrio sa Kabankalan City, Negros Occidental.

Nang tanungin si Ruben Fernandez Jalaman kung ano ang kaniyang dahilan para magawa ang naturang krimen, “trip lang” ang kanyang naging tugon sa mga otoridad.

Narinig ng mga kapitbahay ang sigaw ng matandang biktima na humihingi ng tulong mula sa kaniyang bahay sa Purok Kabukiran, Barangay Tapi, Kabankalan City sa Negros Occidental.

Ayon kay Superintendent German Garbosa na hepe ng Kabankalan police, nang tunguhin ng mga tanod ang bahay, natagpuan ang bangkay ni Olivia Rapel Jalaman na nakahandusay, may hiwa sa dibdib at wala ng ang puso.

Inabutan pa aniya ng mga tanod si Ruben sa bahay at inamin na kinain niya ng hilaw at buo ang puso ng kaniyang lola matapos niya itong patayin.

Isasailalim sa psychiatric test ang suspek na si Ruben./ Kathleen Betina Aenlle

 

Read more...