Sa live presidential forecast ng New York Times, sinabi nitong 95% na ang tsansa na si Donald Trump ang mananalo sa US presidential elections.
Ang projection ay batay sa kalamangan ni Trump sa mga pumasok nang resulta ng eleksyon sa iba’t ibang estado ng Amerika.
Ayon sa New York Times, sa kanilang projection, 5% lang ang tsansang mananalo si Hillary Clinton.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang pagpasok ng mga resulta matapos na magasara ang mga polling places.
Maliban sa Amerika, nakaabang din ang buong mundo sa magiging resulta ng halalan.
MOST READ
LATEST STORIES