Daan-daang piraso ng mga Christmas Lights ang kinumpiska ng mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa isinagawang inspection sa Divisoria, Maynila.
Ayon kay DTI Undersecretary Teodoro Pascua, kinumpiska ang mga ito mula sa iba’t-ibang tindahan matapos makitaan ng paglabag sa batas.
Karamihan sa mga kinumpiska ay walang mga ICC stickers at PS marks.
Meron din ayon kay Pascua na mali ang hitsura kaya kinumpiska.
Sinabi pa ng opisyal na may mga kinumpiska rin sila na sa unang tingin pa lamang ay sub-standard na.
Maari anyang pagmultahin ang mga may-ari ng tindahan kung saan kinumpiska ang mga produkto ng hindi bababa sa P17,500.
Bukod dito puwede ring kanselahin ng DTI ang business name ng mga ito.
MOST READ
LATEST STORIES