Umarangakda na ang pagtalakay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa panukalang pagbuhay sa parusang kamatayan o death penalty.
Ang sub-committee on Judicial Reforms ng House Justice Panel ang kasalukuyang dumidinig sa mga death penalty bills.
Ito ay pinamumunuan ni House Justice Committee Vice Chairman Vicente Veloso.
Ngayong 17th Congress, nasa pitong panukalang batas ang inihain ng mga kongresista na naglalayong buhayin ang bitay para sa mga mapapatunayang guilty sa karumal-dumal na krimen, lalo na ang may impluwensya sa ilegal na droga.
Ini-akda ito ng labing apat na Mambabatas, kabilang na si House Speaker Pantaleon Alvarez, House Majority Leader Rodolfo Fariñas, Deputy Speaker Fred Castro at Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Ace Barbers.
Matatandaan na ang pagbuhay sa death penalty ay isa sa mga itinutulak na lehislasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang panukala rin ay nakahanay sa legislative measures na inirekumenda ng Justice Panel matapos ang ginawa nitong Bilibid congressional probe.