Trump, lamang sa dalawang US states; resulta ng botohan sa mas malalaki pang estado, patuloy na pumapasok

trump-clinton-compositeSi Republican Donald Trump ang nagwagi sa dalawang US states partikular sa conservative states na Kentucky at Indiana.

Habang Vermont state, si Hillary Clinton naman ang projected na magwawagi.

Ayon sa ulat ng Associated Press, sa ngayon sarado na rin ang botohan sa mga itinuturing na battleground states na Virginia at Georgia pero wala pang pumapasok na resulta.

Patapos na rin ang botohan sa dalawa pang malalaking estado na North Carolina at Ohio.

Kinakailangang manalo sa 270 states para maideklarang wagi bilang US President. Sa pagpasok ng mga unofficial results, si Trump ay mayroong 24 at 3 pa lamang si Clinton.

 

 

 

Read more...