Hinihinalang biktima ng summary execution, natagpuan sa Navotas

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Isang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa Barangay North Bay Boulevard South sa C3 Road, Navotas City, Miyerkules ng umaga.

Alas sais ng umaga nang mapansin ng mga residente ang biktima na isinilid sa sako at ballot ng packaging tape.

Walang pagkakakilanlan ang lalaki na walang suot na pang-itaas, naka-shorts at mayroong tattoo sa balikat.

Ayon sa mga otoridad, posibleng matagal nang itinapon sa lugar ang bangkay subalit hindi agad napansin ng mga residente dahil nga nakasilid ito sa sako.

Hindi rin pamilyar ang mga taga Barangay sa itsura ng lalaki kaya maari umanong hindi ito tagaroon.

 

 

Read more...