Political prisoners, posibleng mapalaya bago mabuo ang bilateral ceasefire agreement sa NDF

 

Inquirer Photo | Kristine Mangunay
Inquirer Photo | Kristine Mangunay

Ibinunyag ni Labor Sec. Silvestre Bello III, na naninilbihan rin bilang chief negotiatior ng pamahalaan sa peace talks sa pagitan nila ng National Democratic Front (NDF) na posibleng mapalaya ang ilang mga political prisoners bago pa man mabuo ang bilateral ceasefire agreement.

Ayon kay Bello, ikinukonsidera na ng pamahalaan ang hiling ng NDF na mapalaya ang nasa 200 political prisoners dahil sa humanitarian reasons.

Ani Bello, posibleng mapalaya na nila ang ilan bago matapos ang Nobyembre, pero malabong magawa nila ito sa lahat ng 200 na preso bago malagdaan ang bilateral ceasefire agreement.

Tiniyak naman ng kalihim na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya, at alam rin aniya ito ng NDF, pero kailangan lang nila aniya ng sapat na panahon dahil mangangailangan pa ito ng judicial process.

Samantala, inaasahan namang malalagdaan na ang nasabing bilateral ceasefire agreement bago mag-Disyembre.

Read more...