Pagsisilbi ng search warrant sa QC nauwi sa encounter, isa patay

 

File photo

Nauwi sa engkwentro ang pagsisilbi ng search warrant ng mga tauhan ng Quezon City Police District sa bahay ni alyas ‘Boboy sa Caseco compound, Damasco St. Brgy. Holy Spirit QC.

Sa nasabing ekwentro, napaslang ang suspek na si Edris Dimnang na kilala umanong drug pusher sa lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng QCPD, natunugan umano ni Dimnang ang paparating na pulis na magsisilbi ng search warrant.

Una umanong pinaputukan ng baril ng suspek ang mga pulis na agad naman gumanti na kinamatay ni Dimnang.

Nadala pa sa ospital si Dimnang pero dineklara din itong dead on arrival.

Nakakumpiska ang mga pulis sa crime scene ng isang 9mm pistol, drug paraphernalia at ilang piraso ng sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu.

Read more...