Ronnie Nathanielsz, nasa ICU dahil sa heart attack

 

Dinala sa Intensive Care Unit sa isang ospital sa Burlingame, ang Veteran Sports Commentator na si  Ronnie Nathanielsz, matapos atakihin sa puso.

Papunta na si Nathanielsz sa Las Vegas para sa laban ni Manny Pacquiao kontra Jessie Vargas noong Linggo, nang bigla siyang makaramdam ng paninikip ng dibdib kaya agad itong dinala sa ospital.

Ang 81-year-old na si Ronnie Nathanielsz, ay nakatakda sanang maging bahagi ng commentary panel sa Pacquiao-Vargas fight.

Si Ronnie ay Sri Lankan-born na binigyan ng Filipino Citizenship ni dating President Ferdinand Marcos noong May 1973.

Ito ay dahil umano sa kanyang “mahaba at patuloy na serbisyo sa sambayanang Pilipino sa larangan ng Journalism”.

Ang Sri Lankan-born Filipino citizen na si Nathanielsz ay isa sa mga pinaka-kilalang sports commentator sa bansa, madalas na broadcast panel sa boxing matches at football games.

Read more...