Sa inilabas na pahayag ng CHR, sinabi naman nila na inirerespeto nila ang naging desisyon ng SC kaugnay ng Marcos burial.
Gayunman, iginiit ng CHR na hindi nito kayang burahin ang katotohanan tungkol sa mga paglabag sa karapatang pantao na naganap noong Martial Law, at na patuloy pa rin ang kanilang pananawagan ng hustisya para sa mga nabiktima nito.
“We nonetheless affirm that the [decision] does not and cannot erase the uncontroverted fact of impunity for human rights violations committed during Martial Law that continues to demand justice, as has also been previously adjudicated and resolved with finality by the Honorable Supreme Court itself in numerous cases,” nakasaad sa pahayag ng CHR.
Naninindigan rin ang komisyon na dapat patuloy na punan ng pamahalaan ang obligasyon nitong reparation at recognition sa mga naging biktima ng human rights violations noong Martial Law, kahit pa ganito ang naging desisyon ng SC.
Naniniwala naman ang CHR na dapat manatiling matibay ang paninindigan ng mga Pilipino para sa kanilang mga karapatan, at tiyakin ang kanilang kalayaan at ang pagpapairal ng batas sa lahat ng oras.
Ito anila ang magpapatatag at mapag-iisa sa mga mamamayang Pilipino.