Supreme Court, iimbestigahan na rin ang Espinosa killing

 

Inquirer file photo

Magkakaroon ng sariling imbestigasyon ang Korte Suprema kaugnay ng pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. at ng isa pang inmate na si Raul Yap.

Ayon sa kanilang tagapagsalita na si Theodore Te, iniutos na ng SC ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa judge at sa search warrant na ginamit ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nagsagawa ng raid, na ikinasawi ni Espinosa.

Sa ngayon aniya ay hindi pa nailalatag ng korte ang mga paramaters ng naturang imbestigasyon.

Samantala, bukas naman na magsisimula ang imbestigasyon ng Senate committee on public order and illegal drugs tungkol sa nasabing kaso, sa pamumuno ni Sen. Panfilo Lacson.

Kasama na rin sa iimbestigahan ang kaso ng pagkamatay rin ni Datu Saudi Ampatuan Mayor Samsudin Dimaukom, na tinukoy rin bilang isang drug lord.

Inimbitahan ni Lacson sa imbestigasyon ang mga pulis na nagsagawa ng raid sa bilangguan, mga jail guards, warden, at si Leyte Gov. Leopoldo Dominic Petilla.

Read more...