Nasa bansa ang Los Angeles class ‘fast attack submarine’ na USS Chicago- SSN 721.
Batay sa pahayag ng US Embassy sa Maynila, ang submarine ay dumaong sa Subic Bay bilang bahagi ng Western Pacific deployment nito.
Sinabi ni Commander Lance Thompson, ang USS Chicago ay ang unang fast attack submarine na may ‘vertical launch capability’ at itinuturing na isa sa ‘most advanced submarine’ sa buong mundo.
Aniya ito ay maaring magamit sa intelligence, surveillance, reconnaissance, anti-submarine warfare, anti-surface ship warfare at air strike.
May kabuuang 170 crew ang naturang submarine.
Isa sa crew si Logistics Specialist 1st class Allendale Basa, isang Pilipino at may mga kaanak sa Olongapo City.
” I’m looking forward to spending some quality time with my family in Olongapo city,” ani Basa.
Ang USS Chicago ang isa sa mga pinakamodernong submarine ng Estados Unidos sa kasalukuyan./Jan Escosio