Nagkaharap-harap sa kahabaan ng Padre Faura sa Maynila ang mga grupong pabor at tutol sa hero’s burial kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Inokupahan ng dalawang grupo ang kahabaan ng Padre Faura, dahilan para hindi na ito madaanan pa ng mga motorist.
Ang mga pro-Marcos ay nasa kaliwanang bahagi ng Supreme Court gate, habang nasa kanan naman ang mga grupong tutol na mailibing ang dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani.
Bitbit ng mga pro-Marcos ang mga placard na may nakasulat na “Para sa pambansang paghihilom, ilibing Na”.
Habang ang mga tutol naman sa herp’s burial ay may bitbit ding mga placard na may nakasulat na “Marcos is No hero!”.
Mamayang hapon inaasahang magpapasya ang mga mahistrado ng Korte Suprema kung papayagan ba nila o hindi hero’s burial sa dating pangulo dahil ngayon ang pagtatapos ng umiiral na status quo ante.
Pinagitnaan naman ng mga anti-riot police ang dalawang grupo upang maiwasan na sila ay magpang-abot.