Biyahe ng MRT, nagka-aberya

DOTr Advisory
DOTr Advisory

Nagka-aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit ngayong umaga.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), kaninang alas 8:20 ng umaga, pinababa ang mga pasahero sa Northbound ng Buendia Station.

Ayon sa DOTr, nakaranas ng technical problem ang isa nilang tren.

Agad namang napasakay sa kasunod na tren ang mga naapektuhang pasahero at alas 8:26 ng umaga ay naibalik sa normal ang operasyon.

Kahapon ng hapon, nakaranas din ng technical problema ng isang tren ng MRT sa bahagi ng Guadalupe station Southbound dahilan para pababain din ang mga sakay nitong pasahero.

 

 

 

Read more...