Maagang naperwisyo ang daloy ng trapiko sa kahabaaan ng Nagtahan sa Maynila matapos na kumalas sa humihilang truck ang trailer na puno ng labinglimang tonelada ng papel.
Galing sa Batangas ang truck na may plate number na RKB 487 nang bigla na lamang kumalas dito ang hila-hilang trailer na mayroon namang plate number na PUV 109 na puno ng mga papel pagsapit sa Nagtahan Flyover.
Ayon kay Roel Dellosa, pahinante ng truck, posibleng hindi maayos ang pagkaka-lock ng trailer sa truck kaya ito kumalas.
Dadalhin sana sa Valenzuela City ang mga papel na sakay ng trailer.
Dahil sa aksidente, naperwisyo ng husto ang mga motorista na galing sa Quirino Avenue at patungo sa bahagi ng Espanya Maynila.
Alas 4:20 pa ng umaga nang maganap ang insidente at umabot ng halos limang oras bago tuluyang naiaalis sa lugar ang truck.
WATCH: Nagdudulot na ito ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic at apektado ang mga sasakyang patungo ng Espanya pic.twitter.com/ApLeAM61Po
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 8, 2016
LOOK: 4:20AM pa nang maganap ang insidente at hindi pa rin naiaalis sa lugar ang truck | https://t.co/XSh8f2ERg2 pic.twitter.com/41yicpOTUR
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 8, 2016