LPA sa Surigao Del Sur, maliit ang tsansang maging bagyo; posibleng malusaw ayon sa PAGASA

Maliit ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA sa Surigao Del Sur.

Ang LPA ay huling namataan sa 590 kilometer East ng bayan ng Hinatuan.

Ayon kay PAGASA forecaster Benison Estareja, posibleng malusaw din ang LPA sa susunod na mga oras.

Sa ngayon walang sama ng panahon na nagbabadyang pumasok sa Philippine Area of Responsibility.

Sinabi ni Estareja na magiging maaliwas ang panahon sa bansa sa susunod na mga araw.

Sa forecast ng PAGASA, ngayong araw ay makararanas ng isolated rainshowers o thunderstorms ang buong bansa lalo na ang eastern section ng Mindanao.

 

 

Read more...