Higit 100 pugot na bangkay, natagpuan sa dating kuta ng ISIS

 

Hindi bababa sa 100 mga bangkay na pawang mga pugot ang ulo ang nadiskubre sa mass grave sa loob ng eskwelahan sa isang bayan malapit sa southern Mosul, Iraq.

Nadiskubre ang naturang mass grave ng puwersa ng Iraq sa bayan ng Hammam al-Alil, may 30 kilometro ang layo sa Mosul, na nabawi ng Iraqi forces sa kamay ng ISIS nitong Lunes.

Ayon sa Iraqi Joint Military Command, natagpuan ang mass grave na puno ng mga pinugutang bangkay sa loob ng School of Agriculture.

Hinala ng mga otoridad, kagagawan ng mga ISIS gangs na kabilang sa Sunni Terror Group at mga militante ang karumal-dumal na krimen.

Simula October 17, sinimulan na ng Iraqi forces ang pagbawi ng bayan ng Mosul na dalawang taon nang nagsisilbing stronghold ng Islamic State o ISIS.

Read more...