Mga car bomb, ginagamit ng ISIS upang kontrahin ang mga sumasalakay sa Raqqa

 

Limang car bombs ang pinasabog ng mga Islamic State militants upang targetin ang US-backed na Syrian armed groups na sumugod sa Raqqa.

Sinimulan ng Syrian Democratic Forces (SDF) at ng Kurdish YPG militia ang kanilang pag-atake noong Sabado na naglalayong bawiin ang Raqqa mula sa I-S.

Bagaman hindi magiging madali para sa SDF na bawiin mula sa I-S ang Raqqa, sinasabing nakadagdag rin ito ng pressure sa I-S dahil nahaharap rin sila sa mga pag-atake sa Iraq.

Panay rin ang paggamit ngayon ng I-S ng car bombs sa kanilang pag-depensa sa kanilang sinasakupang teritoryo na Mosul, na binabawi at inaatake naman ngayon ng Iraqi forces.

Ang SDF ngayon ang main partner ng US-led coalition laban sa Islamic State, na tumutulong sa pagbawi sa mga teritoryong sinakop ng teroristang organisasyon sa northern Syria gamit ang air support.

Gayunman, naging mahirap ang pag-plano sa pag-atake sa Raqqa dahil ayaw na ng kalapit bansa na Turkey na makakita ng pag-lawig pa ng Kurdish influence sa Syria.

Bukod pa dito, isang Arab city ang Raqqa kaya naniniwala ang mga Syrian Kurdish officials na Syrian Arab groups ang dapat na magpa-laya dito at hindi ang Kurdish YPG.

 

Read more...