EO sa pagbuo ng expanded Bangsamoro Transition Commission, pirmardo na

 

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order na nagtatatag ng expanded Bangsamoro Transition Commission o BTC.

Dumalo sa signing ng E.O ng pangulo sina Presidential Peace Adviser Jesus Dureza, ilang miyembro ng gabinete, Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Al Haj Murad, mga miyembro ng MILF Central Committee, GPH implementing Chair Irene Santiago, MILF implementing Chair Mohagher Iqbal at iba pang mga bisita.

Nakasaad sa E.O na lalawak na ang bilang n mga miyembro ng BTC na magiging 21 na mula sa dating 15 lamang.

Labing isa sa mga ito kabilang ang BTC Chairman ay manggagaling sa MILF habang sampu naman ang inonomina ng gobyerno.

Ang BTC ang inatasang pagsamahin ang mga probisyon mula sa 1996 agreement sa MNLF at ang 2014 Comprehensive Agreement on the Bangsamoro sa MNLF, para makabuo ng isang batas.

Ang grupo ng MNLF ay pamumunuan ni Cotabato City Vice Mayor Muslimin Sema.

Inaasahang maisusumite na ng MTC sa Kongreso ang panukalang batas sa kalagitnaan ng susunod na taon, at hinimok naman ni Duterte ang Kongreso na i-fast track na ang pagsasabatas ng Bangsamoro.

Read more...