Saudi Arabia ang major donor ng Egypt mula nang manungkulan si President Abdel Fattah al-Sisi noong 2013.
Ngunit nadismaya ang Riyadh sa Egypt dahil sa kakulangan ng mga economic reforms ni Sisi, pati na rin sa kawalan ng kusa nitong makialam sa gulo sa Yemen.
Dahil sa pagpapahinto ng oil shipments, inaasahang lalong lalalim ang hidwaan ng dalawang bansa.
Sa pagbisita ni King Salman noong Abril ay pumayag ang Saudi Arabia na magbigay ng 700,000 toneladang refined oil products kada buwan sa loob ng limang taon, ngunit bigla itong tumigil bandang Oktubre.
Kinumpirma naman ni Egyptian Oil Minister Tarek El Molla ang pagtigil ng shipments, ngunit hindi pa rin nagbibigay ang state oil firm ng Saudi Arabia na Aramco tungkol dito.
Ayon pa sa isang oil ministry official, hindi naman ipinaliwanag sa kanila kung bakit, dahil ang tanging sinabi lang sa kanila ay ihihinto ito “until further notice.”