Katotohanan sa Espinosa case, tiniyak ng Palasyo kay dating PNoy at sa publiko

 

Inquirer file photo

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang kay dating Pangulong Benigno Aquino III at sa publiko na magkakaroon ng transparency sa imbestigasyon ng pagkasawi ni Mayor Rolando Espinosa.

Tugon ito ng Palasyo matapos ipahayag ni Aquino na tututukan niya ang nasabing imbestigasyon, at sinabing hihintayin na lamang niyang matapos ito.

Sa pahayag ng Office of the Communications Secretary, tiniyak nila sa lahat ng mamamayan na kaisa sila sa mga naghahangad na malaman ang katotohanan sa pagkamatay ni Espinosa.

Inaasahan rin nila na hahawakan ng Philippine National Police (PNP) ang kaso nang may “utmost transparency and impartiality,” at walang palulusutin sa paghahanap ng katotohanan.

Nakasaad rin sa pahayag na hindi kinukunsinte ng administrasyon ang anumang uri ng summary killings.

Read more...