32 kaso ng KFR naitala sa bansa ngayong taon; 7 bihag pa rin ng mga kidnappers

 

Kinumpirma ni PNP-AKG o Anti Kidnapping Group Director, Sr. Supt. Manolo Ozaeta na 32 katao na ang kanilang naitatalang biktima ng kidnapping mula buwan ng Enero hanggang Oktubre ngayong taon.

Sa datos ng PNP AKG, ang mga kidnap victims ay nadukot sa aabot sa dalawampu’t-dalawang insidente ng kidnapping na kanilang naitala sa buong bansa sa loob ng sampung buwan.

Pinakamaraming biktima ng kidnapping umano ay naitala sa NCR o National Capital Region na umaabot sa walo, tig-anim sa Region 9 at Region 10, lima sa ARMM, lima rin sa region 3, isa sa CAR at isa rin sa Region 1.

Dagdag ni Ozaeta, sa nabanggit na bilang na 32 biktima ng pagdukot, 21 dito ay napalaya na kung saan 16 dito ay Pinoy, 2 ay Chinese national, 2 ay Indian nationals, at isang Korean.

Habang nanatiling bihag pa rin ang 7, lima dito ay mga Pinoy, at 2 Koreano.

Read more...