Pinaniniwalaang bangkay ito ni “Sabrina,” ang babaeng kasama ng German national na dinukot ng Aby Sayyaf sa Tanjung Pisut, Tawi-Tawi.
Ayon kay Major Filemon Tan Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP), isang babaeng dayuhan, na nasa edad 50, ang natagpuan sa isang yate na may markang “ROCK ALL” at may watawat ng Germany.
Nagtamo ang bangkay ng mga tama ng bala sa katawan at may nakitang baril sa tabi nito.
Matatandaang sinabi ni Muamar Askali, nagpakilalang tagapagsalita ng Abu Sayyaf, na bihag ng bandidong grupo ang isang turistang German na si Juegen Kantner.
Pinatay umano ng mga myembro ng Abu Sayyaf si “Sabrina” matapos manlaban sa mga bandido.