Sa abiso ng MERALCO, mararamdaman ang bawas sa singil sa kuryente sa November bill ng mga comsumer.
Ayon sa MERALCO, nasa P0.08 kada kilowatt hour ang mababawas singil.
Katumbas ito ng P16 na kabawasan sa November bill ng mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan, P24 na bawas sa mga kumokonsumo ng 300 kilowatt hour, P32 sa mga kumokonsumo ng 400 kilowatt hout at P50 sa mga kumokonsumo ng 500 kilowatt hour.
Noong nakaraang buwan ng Oktubre ay nagpatupad din ng bawas sa singil sa kuryuente ang Meralco.
MOST READ
LATEST STORIES