Mga kumpanya ng langis, nag-anunsyo na ng ipatutupad na rollback bukas

Oil PriceEpektibo bukas ng umaga, magpapatupad ng bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Ito ay matapos ang ilang linggo nang sunud-sunod na pagtataas sa presyo ng oil products.

Sa abiso ng kumpanyang Shell, magpapatupad ito ng bawas na 65 centavos sa kada litro ng gasolina, pisong rollback sa kada litro ng diesel at P1.20 na rollback sa kada litro ng kerosene epektibo alas 6:00 ng umaga bukas.

Parehong rollback din ang ipatutupad ng mga kumpanyang Flying V at Sea Oil sa kanilang gasolina, disel at kerosene ng mas maaga o mula alas 12:01 ng madaling araw.

Habang ang Phoenix Petroleum ay may parehong halaga ng rollback sa gasolina at diesel alas 6:00 ng umaga, gayundin ang Eastern Petroleum alad 12:01 ng madaling araw.

Ngayong maghapon, inaasahang sunod-sunod pang mag-aanunsyo ng kanilang rollback ang iba pang kumpanya ng langis.

Read more...