‘Coach Roach’, bitin sa pagkapanalo ni Pacquiao

 

Inquirer file photo

Sa kabila ng pagkapanalo ni Manny Pacquiao laban kay Jessie Vargas via unanimous decision, aminado si coach Freddie Roach na bahagya siyang nadismaya dahil hindi napatumba ng kaniyang alaga ang kalaban nito.

Ayon kay Roach, umasa siyang masusundan pa ni Pacquiao ang knockdown nito kay Jessie Vargas sa second round, ngunit hindi ito nangyari.

Kinaya pa kasi aniya ni Vargas ang mga ibinatong suntok ni Pacquiao sa kaniya at natapos ang laban sa unanimous decision kaya muling nakuha ni Pacman ang kaniyang World Boxing Organization welterweight crown sa pangalawang pagkakataon.

Nabatid rin ni Roach na ibinuhos ni Vargas ang kaniyang puso sa pakikipaglaban sa napakagaling na katunggali.

Read more...