Sa panayam ng Inquirer, kinumpirma ni Muammar Askali alyas Abu Ramie, nagpapakilalang tagapagsalita ng Abu Sayyaf Group na hawak nila ang isa sa mga dayuhang Aleman na nakilala sa pangalang Juegen Kantner, 70-taong gulang.
Sinabi rin ni Ramie na kabilang rin sa kanilang tinangkang bihagin sa Tanjung Pisut Tawi-Tawi ay ang babaeng kasama ni Kantner na nakilala sa pangalang Sabrina.
Sapilitan umanong sumampa sa kanilang yate ang mga armadong kalalakihan at puwersahan silang isinasama.
Gayunman, nanlaban umano ang babae at tinangkang barilin ang mga suspek kaya’t pinaputukan ito ng mga salarin hanggang sa mapatay.
Ngunit ayon sa Western Mindanao Command, wala pa silang ulat ng panibgong pagdukot ng ASG na naganap sa naturang lugar sa kasalukuyan.