Higit 50 motorsiklo, kinumpiska ng SPD sa Taguig

MOTORCYCLE
FILE PHOTO

Kinumpiska ng Southern Police District ang mahigit limampung segunda manong motorsiklo sa Taguig City kagabi.

Nahuli ng isang pulis mula sa Anti-Carnapping Unit (ANCAR) ng SPD sina Samsudin Zailon at Rannie Jolero na naglalagay ng mga motorsiklo sa dalawang six-wheeler truck.

Nang hanapan ito ng mga shipment documents partikular na ang transport at business permit, walang napakita ang mga suspek.

Dahil dito, kinumpiska ng ANCAR ang mga nasabing motorsiklo upang ma-beripika ito.

Ayon sa ANCAR, dapat munang matignan ang registration papers ng mga motorskilo bago masabing nakaw ang mga ito.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Zailon ngunit sinabi ng pulisya na dadalhin sana ang mga motorsiklo sa Midsayap, North Cotabato.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa anti-carnapping law.

Read more...