Wagi si Filipino Boxing Icon at Senador Manny Pacquiao sa laban nito sa ring kontra Jessie Vargas sa Tomas and Mack center, sa Las Vegas, Nevada.
Unanimous ang naging desisyon ng mga hurado na nagdedeklara kay Pacquiao bilang panalo sa WBO Welterweight title.
Dahil dito, ang rekord ni Pacquiao ay tumaas na 59 wins-6 losses habang si Vargas ay 27 wins-2 losses.
Bago ang bakbakan, umakyat sa ring si Pacquiao kasama si Miss Universe 2016 Pia Wurtzbach.
Naroroon din sina PNP General Roland “Bato” Dela Rosa at Navitas Rep. Toby Tiangco, na kapwa supporters ni Pacquiao.
Kapansin-pansin din ang presensya ng American boxer at Boxing Champion din na si Floyd Mayweather sa may audience area.
Sa round 1, kapwa tini-test o sinusubukan ng dalawang boksingero ang isa’t isa.
Sa round 2 naman, pinatikim ng 37-yeard old na si Pacquiao ang straight left punch nito kay Vargas, dahilan para mapaupo ang American boxer.
Ang round 3, liyamado pa rin ang pambansang kamao laban kay Vargas.
Sa iba pang rounds, naging palaban ang parehong boksingero, pero mas maraming pinakawalang suntok si Pacquiao kumpara sa katunggali nito.
Sa round 6, namaga na ang kanang mata ni Vargas.
Sa mga sumunod na round, patuloy na naging agresibo ang dalawang boksingero, at napansin na ang pagpapakawala ni Vargas ng mas maraming suntok.
Sa round 8, duguan na ang mukha ni Vargas.
Sa rounds 9 at 10, lumalaban pa rin si Vargas kahit duguan na, pero mas mabilis pa rin si Pacquiao.
Sa round 11, tila nahilo at hingal na si Vargas, subalit kumukunekta pa rin ng suntok ang People’s champ ng Pilipinas. Na-knockout ni Pacquiao si Vargas, ngunit ayon sa referee, slip lamamg daw iyon.
At sa pinakahuling round, tinodo na ni Pacquiao at nagpatama ng kanyang left punch kontra kay Vargas. May knock-out muli, pero slip daw ito.