Mahigpit na seguridad, ikinasa sa paligid ng UST para sa 115th Bar Examinations

BAR EXAMS 2
Kuha ni Erwin Aguilon

Hinigpitan na ang seguridad ng mga awtoridad sa bisinidad ng University of Santo Tomas para sa unang araw ng 2016 Bar Examinations.

Nagsimulang kumalat ang mga opisyal ng Philippine National Police at K-9 units, kasama ang National Bureau of Investigation at Philippine Coast Guard sa nasabing unibersidad kaninang alas sais y medya ng umaga.

Mahigit anim na libo’t walong daang law graduates ang pinayagan ng Korte Suprema na makakuha ng nasabing exam.

Ayon naman kay Manila Police District Director Senior Superintendent Joel Coronel, ipinatupad ni Associate Justice Presbitero Velasco Jr. ang istriktong seguridad upang makasiguro sa kaligtasan ng mga kukuha ng pagsusulit ngayong taon.

Maliban sa traffic rerouting, nagpatupad din ng liquor ban ang MPD isang daang kilometro mula sa UST campus.

Dagdag pa ni Coronel, nakakalat din ang MPD police sa paligid ng UST kasama ang España Avenue, Lacson, Dapitan at P. Noval Street.

Magugunitang aabot sa apatnapu’t dalawa katao ang sugatan sa naging pagsabog noong 2011 Bar Examinations sa parehong unibersidad.

Read more...