Mahigit anim na libo, kukuha ng Bar Examinations ngayong taon

BAR EXAMS
Kuha ni Erwin Aguilon

Aabot sa mahigit anim na libo at walong daan na estudyante ang nakatakdang kumuha ng bar examinations ngayong taon.

Magaganap ang 115th bar examinations sa apat na linggo ngayong buwan ng Nobyembre na magsisimula ngayong araw, November 6 hanggang 27 sa University of Sto Tomas.

Sa Twitter account ng Supreme Court, nakasaad na kabuuang 6,831 ang mga kandidatong kukuha ng pagsusulit ngayong taon.

Mas mababa ito sa bilang noong nakaraang taon na aabot naman sa 7,146 examinees.

Sakop ng pagsusulit ang mga subjects na Political Law, Civil Law, Taxation, Labor Law, Criminal Law, Remedial Law, Mercantile Law at Legal and Judicial Ethics.

Kinumpirma naman ni SC Associate Justice Presbitero Velasco Jr., ang chairman 2016 bar exams, na posibleng mayroong isa o dalawang items sa pagsusulit na may enumeration o differentiation.

Read more...