Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, sa pamamagitan ng kanyang undersecretary, iniutos ng ahensya sa NBI na magsagawa ng parallel investigation sa naturang kaso para maiwasan ang ‘whitewash’.
Nararapat aniya na imbestigahan ang ilang mga pangyayari na humantong sa pagkamatay ni Espinosa.
Sinabi ni Vitaliano na kaduda-duda ang mga naturang pangyayari kaya dapat imbestigahan para mabatid ang katotohanan.
Una nang ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa sa Criminal Investigation and Detection Group, Police Regional Office 8 at Internal Affairs Service (IAS) na magsagawa ng independent investigation sa pagkakamatay ng alkalde.
Napatay matapos umanong manlaban si Espinosa at ang isang pang drug suspek na si Raul Yap sa loob ng kanilang kulangan habang isinisilbi ng mga operatiba ng CIDG Regional 8 na pinangunahan ni Chief Insp. Leo Laraga ang search warrant.
Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno ang pag-relieve sa jail warden ng Leyte Sub-Provincial Jail na si Antonio Ubaldo.
Kasabay nito, tiniyak ni Sueno sa publiko na hindi nila pababayaan ang naturang kaso.