Malakanyang, walang ipinangako kay Misuari

INQUIRER file photo
INQUIRER file photo

Walang ipinangko ang Malakanyang kay Moro National Liberation Front founding chairman Nur Misuari kasunod ng naging pagpupulong nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, ang naging pagpupulong sa pagitan nina Duterte at Misuari ay walang pangakong kasama.

Dagdag pa ni Abellam walang partikular na isyu ang napag-usapan sa naturang pagpupulong.

Matatandaang na noong Huwebes ay nakipagkita si Misuari kay Duterte sa Rizal Hall ng Malakanyang matapos ang tatlong taong pagtatago.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Misuari si Duterte sa pagbibigay sa kanya ng kalayaan.

Samantala, pinahayag ng Palasyo na mananagot sa tamang panahon si Misuari kaugnay sa naidulot nitong pag-aalala sa mga residente ng Zamboanga City.

Ayon kay Abella, sa kasalukuyan ay mahalaga na pinag-uusapan nina Pangulong Duterte at Misuari ang proseso ng kapayapaan at binibigyang pansin ang isyu ng mga Moros.

Nangako naman si Misuari ng pasuporta sa pagkamit ng Duterte Administration ng kapayapaan.

Ipinangako din ni Duterte ang paglalatag ng groundwork para sa Bangsamoro territory na siyang magiging konektado sa kanyang itinutulak na Federalismo.

 

Read more...