Labanang Donaire-Magdaleno, inaabangan din kasabay ng Pacquiao-Vargas fight

inquirer.net

Inaabangan din ang ang sagupaang Nonito Donaire at Jessie Magdaleno na undercard sa labanang Manny Pacquiao at Jessie Vargas sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas.

Si Donaire ay may record na 37 wins, 3 loses at 24 KO’s kung saan kanyang dedepensahan an gang kanyang WBO super bantamweight belt laban kay Magdaleno na may 23 wins, 0 loss at 17 KO’s.

Matantandaang noong 2012 ay dinomina ni Donaire ang sporst ng boxing matapos mapasakanyana ang WBO at IBF World super bantamweight titles at maiuwi ang Fighter of the Year award.

Kinukunsederang successor ni Pacquiao si Donaire na gumawa ng kanyang sariling pangalan sa mundo ng Boxing kung saan ang kanyang laban kay Magdaleno ay maaring maging daan sa mas matagumpay na karera sa naturang sport.

Magaganap ang labanang Donaire- Magdaleno at Pacquiao-Vargas, November 5 sa US at November 6, araw ng linggo sa Pilipinas.

Read more...