Controversial scene ng “Til I Met You” layong maghatid ng aral ayon sa mga producer ng programa

inquirer.net

Binigyang diin ng producers ng “Til I Met You” na anmg layunin ng controversial scene ng naturang programa sa isa sa mga episodes nito na ipakita ang consequences ng young at reckless love.

Matatandaang umani ng ibat-ibang reaksyon ang October 25 episode ng nasabing programa ang love scene sa pagitan nina James Reid at Nadine Lustre na nagbunsod ng pagpapatawa ng MTRCB sa mga producer nito.

Sa inilabas na statement ng executives ng show ay kanilang sinabi na bago pa maipalabas ang kontrobersyal na episode ng naturang show, kaugnay ng self-regulation pursuant sa policy and practice ng MTRCB ay nagpadala ng liham ang producers ng show kung saan ipinapaalam dito na ang nasabing episode ay magkakaroon ng classification ng SPG (Strong Parental Guidance), dahil sa sensitibong material na tampok .

Sinabi naman ni MTRCB chairman Toto Villareal na ang ahensya ay laging patas at layunin nito na malaman kung saan nanggagaling ang mga ibat-ibang tao dahil dapat sama-sama ang  lahat para mapaunlad ang industriya.

Dagdag pa ni Villareal na karapatan ng publiko na ipahatid ang kanilang mga concern kung sa palagay nilang may hindi tama.

Magaganap ang dayalogo sa pagitan ng MTRCB at ang mga executive ng naturang show sa November 10.

 

 

Read more...