Dahil sa maigting na kampanya sa illegal drugs, mga nasa sindikato ng droga abala sa kidnapping activities

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Kidnap-for-ransom activities na ang pinagkaka-abalahan ngayon ng mga nasa sindikato ng illegal na droga.

Ito ay dahil sa maigting na kampanya ng pamahalaan laban sa mga hinihinalang drug lord at pushers.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagkumpirma na nitong nagdaang mga linggo, may sunud-sunod na kaso ng kidnapping na naitala sa Maynila.

Partikular na binanggit ni Duterte sa kaniyang pagsasalita sa regional convention ng Integrated Bar of the Philipines (IBP) ang naitalang anim na kaso ng kidnapping sa Binondo sa loob lang ng tatlong linggo.

Ito aniya ay dahil sa pagbaba ng suplay ng droga dahil sa serye ng operasyon ng mga otoridad.

“There’s a low supply of drugs now, but nag-shift naman sila sa kidnapping. So bagong laro na naman ‘to. Only in 3 weeks, 6 kidnapping sa Binondo. So be careful.” Ayon sa pangulo.

Sa kabila nito, tiniyak ni Pangulong Duterte na magpapatuloy ang kampanya ng pamahalan kontra ilegal na droga.

Aniya, hindi titigil ang laban sa droga hanggang sa masawi ang kahuli-hulihang drug lord.

Sinabi pa ni Duterte na nais niyang makitang patay ang lahat ng users, pushers at drug lords.

 

 

Read more...