Ilang shopping malls sa Metro Manila, binago ang operating hours para sa holiday season

Tatlong shopping malls na sa Metro Manila ang nagpatupad ng pagbabago sa kanilang operating hours ngayong holiday season.

Bahagi din ito ng pagtugon ng mga mall operators sa panawagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagkakaroon ng adjustment sa mall hours upang makabawas sa pagsisikip sa daloy ng traffic.

Kabilang sa mga naglabas na ng bagong operating hours para sa holiday season ay ang Trinoma, Glorietta at Robinsons Galleria.

Narito ang listahan ng petsa at oras ng schedule ng mga mall:

FB Photo | Trinoma Mall

TRINOMA

November 2 hanggang December 15 (11AM to 11PM)
December 16 hanggang 23 (11AM to 12midnight)
December 24 (11AM to 8PM)
December 25 hanggang 30 (11AM to 11PM)
December 31 (11AM to 6PM)
January 1 (12NN to 11PM)
January 2 hanggang 9 (11AM to 11PM)

At mula January 10, balik na sa normal operating hours ang Trinoma.

FB Photo | Glorietta

GLORIETTA

November 2 hanggang December 23 (11AM to 11PM)
December 24 (11AM to 8PM)
December 25 (12NN to 11PM)
December 26 hanggang 30 (11AM to 11PM)
December 31 (11AM to 6PM)
January 1 (12NN to 11PM)
January 2 hanggang 9 (11AM to 11PM)

Balik na rin sa normal na oras ang operasyon ng Glorietta mula January 10.

 

FB photo | Robinsons Galleria

ROBINSONS GALLERIA
Linggo hanggang Huwebes sa buong buwan ng Nobyembre (11AM to 9PM)
Biyernes at Sabado sa buong buwan ng Nobyembre (11AM to 10PM)

 

Read more...