WATCH: Pinay na visually impaired, pasok sa next round ng France Got Talent

From Youtube
From Youtube

Isang visually impaired na Pinay ang gumagawa ngayon ng pangalan sa bansang France matapos makatanggap ng standing ovation sa mga hurado at manonood ng “France Got Talent”.

Pinahanga ng Pinay na si Katchry Jewel Golbin-23 anyos na kilala rin sa pangalang Alienette Colfire sa social media ang mga hurado sa nasabing patimpalak matapos niyang awitin ang “I Dreamed a Dream” mula sa Les Miserables.

Napaiyak din ang French judge na si Helene Segara dahil sa emosyonal na rendisyon ni Golbin sa nasabing awitin.

Matapos ang performance ni Golbin, sinabihan siyang makaka-abante siya sa susunod na round ng kompetisyon.

Ayon sa ulat ng network na Tele Star sa France, natutong magsalita ng French si Golbin dahil idol niya ang French singer na si Edith Piaf at gustong-gusto niya ang mga awitin nito.

Si Golbin ay tubong Tapaz, Capiz, at unang nakilala matapos na mag-viral sa youtube ang kaniyang video habang inaawit ang “I’ll Be There” ni Mariah Carey.

Read more...