LPA, ITCZ at 2 bagyo sa labas ng bansa patuloy na binabantayan ng PAGASA

Photo from PAGASA
Photo from PAGASA

Apat na weather disturbances ang minomonitor ngayon ng PAGASA.

Sa 11AM weather advisory, ang Low Pressure Area (LPA) na nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone ay huling namataan sa bisinidad ng Palapag, Northern Samar.

Bagaman maliit pa sa ngayon ang tsansa na mabuo bilang isang ganap na bagyo ang nasabing LPA, sinabi ng PAGASA na naghahatid ito ng mahina hanggang sa malakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Samantala, ang bagyong may international name na “Meari” ay nananatili sa labas ng bansa at halos hindi kumikilos.

Ang napakabagal na galaw ng bagyo ang dahilan kaya hindi natuloy ang pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility kahapon.

Ayon sa PAGASA nasa layong 1,780 kilometer East ng Central Luzon ang nasabing bagyo at lumiit na ang tsansa na ito ay pumasok pa sa bansa.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Habang ang tropical depression na nasa labas pa din ng bansa ay huling namataan sa 2,225 kilometer East ng extreme Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, walang direktang epekto sa anomang bahagi ng bansa ang dalawang bagyo.

 

 

Read more...